We are a Community. Our mission is to encourage every Filipino to learn how to Save, Invest their money and plan for their Retirement.

Jan 22, 2013

Magimpok. Mamuhunan. Magretiro

Sinadya kong isulat ito sa ating sariling wika upang maiparating ko ang mahalagang aral na ito sa ating kasalukuyang henerasyon na kung saan ang iba satin ay salat sa kaalaman, walang kakayanan makapag-aral at may kakarampot na kaalaman kung paano ba aahon sa nakasanayang buhay na "Isang Kahig, Isang Tuka".

Karamihan sa mga Pinoy na mahihirap at naghihirap ay may isang kakulangan ayon sa obserbasyon, ito ay ang hindi kasanayang mag-impok at mamuhunan.

Mamuhunan or "Invest" ang bagong salita at gawa na kasalukuyang maririnig ngayon na tila ba ay pumapalit sa ating nakasanayang "impok" na salita.

Ano nga ba ang pag-iimpok?

Ang pag iimpok ay ang paraan ng pagtatabi ng salapi para may magagamit sa sandaling may hindi inaasahang gastusin o kaya naman ay may pinaglalaanan sa kinabukasan.


Noong panahon ng ating mga lolo at lola, ginagawa nila ito sa pamamagitan ng pagtatago at paghuhulog ng barya sa  haligi ng kanilang bahay na kadalasan ay gawa sa Kawayan.

Gaano kahalaga ang pag-iimpok?


Ang pagiimpok ay ang pundasyon ng lahat ng kayamanan dito sa mundo. Halos pangkaraniwang storya ng mga Mayayaman ngayon ay nagdaan sa kahirapan. Sinong mag aakala na ang isang magsasapatos noon ay magiging isa sa pinaka mayamang Pinoy ngayon. Kilala natin siya, bahagi na siya ng ating buhay. Hindi makukumpleto ang Linggo kung hindi magsasama-sama ang mag-anak sa SM upang mamasyal. Siya si Henry Sy.

Ayon sa balita, ang mga Intsik ang isang sa pinakamagaling sa pag-iimpok at ito ang dahilan kung bakit ang China ay isa na ngayon sa pinaka makapangyarihang bansa sa buong mundo.


Balik tanaw tayo sa sariling bansa at kultura natin. Paano ba tayo pinalaki at minulat ng ating mga magulang.


Pinalaki tayo sa kaisipan na kailangan natin mag-aral mabuti upang sa ating pagtatapos ay makahanap tayo ng mapapasukang trabaho na magbibigay ng sweldo na gagamitin natin sa araw-araw na gastusin. Nakasanayang gawa na kailangang "kumahig" para may ma"tuka". Parang isang manok na kung hindi ikakahig ang kanyang mga paa ay hindi makakahanap ng pagkain sa lupa.




Karamihan sa makabagong Pinoy ngayon ay namulat na sa ganitong buhay at ninais nilang iangat ang kanila buhay upang hindi na maranasan ang mala-manok na pamumuhay.


Ang tanong ay Paano? "Paano ako aasenso sa buhay?" yan ang kadalasang tanong ng isang Filipino.




Driver lng ako! 


Security Guard lang ako! 


Mensahero lang ako!


Pagpruprutas lang ang kinabubuhay namin!


Hindi sapat na dahilan yan upang hindi mo marating ang ninanais mong pag-aseno sa buhay. 


Kaalaman sa pag-iimpok at pamumuhunan lamang ang kailangan mo upang magtagumpay at marating ang pinapangarap mong kasaganahan sa buhay.


Paano ba mag-impok?

Paano ba mamuhunan?



Mag-Invest Ka Pinoy is an IT Professional working in Singapore. He is an advocate of Financial Literacy in the Philippines. He founded Mag-Invest Ka Pinoy in year 2012 and started the website www.maginvestkapinoy.com. The mission of the website is to encourage every Filipino to learn how to Save, Invest their money and plan their Retirement.

Featured Post

IPON o INVEST. Alin nga ba

"Ipon o Invest? Alin nga ba talaga?" Eto ang kadalasang katanungan sakin. Alin nga ba ang mas maganda? Bigyan mo ako...

One Earth Organics Singapore

Join the Truly Rich Club Today!

Subscribe Now!

See all awesome STOCK REPORTS in PinoyInvestor! (size 280x280)

Like Us on Facebook

Follow Us by Email

© 2012. Powered by Blogger.