SUPPORT OUR MISSION
Your donation will help us reach out more 
Filipinos and spread Financial Literacy.

Make SMART investment decisions with PinoyInvestor! (size 728x90)

Tama na INAY. Lumaban ka ITAY

Written By Mag-Invest Ka Pinoy! on Feb 22, 2013 | 10:54 PM

"Till Death Do Us Part"

Kay sarap sabihin sa harap ng altar ngunit kay hirap gawin habang buhay. 

Yan ang kadalasan sitwasyon ng bawat mag-asawang Filipino.

May mga pag-aaral na nagsasabi na isang sanhi ng hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa ay pera. 

Sino nga ba ang may responsibilidad pagdating sa paghahawak ng pera at usaping pera?




KAMI!!
KAMI!!






PAREHO!

Oo, tama ang nababasa nyo! PA-RE-HO! PAREHO!
Ang mag-asawa ay PAREHONG may OBLIGASYON sa kanilang PAREHONG PERA kaya walang dapat argumento sa loob ng bahay kung sino ba ang dapat masunod dahil bawat isa ay may tungkulin at responsibilidad na pangalagaan, ingatan at palaguin ang pinaghirapang kita.

Ano-ano ba ang kadalasang pagkakamali ng mag-asawa pag dating sa pera? 

Ano-ano ang mga kakulangan na ito:

1. Pagkakaisa. Pera ko ito! Pera mo yan! Walang mangyayari sa argumento kung sino ba ang mas nakakalamang dahil ang totoo ay pag-aari ninyo ang bawat barya na meron kayo sa bulsa nya at bulsa mo.

2. Pananaw. Magkaibang pananaw pagdating sa paggastos.

3. Lihim. Tagong yaman. Mga lihim na gastusin o pagkakautang na balang-araw ay magdudulot ng hindi pagkakaintindihan.

4. Responsibilidad. Hindi siya! hindi ikaw! PAREHO kayong may responsibilidad na ayusin at planuhin ang inyong Financial na katayuan.

5. Paguusap. Ang hindi paguusap tungkol sa "Investment". Ugali-in pagusapan ang tungkol sa mga bagay na ito upang ramdam ng bawat isa na kailangan nyo ang isat-isa upang maisakatuparan ang pinaplanong "Investment".


Tama na Inay! Tama na ang pag bili ng mga luho gaya ng mamahaling bag, alahas at sapatos. Sa maliit na sakripisyo ay magbubunga ito ng magandang kinabukasan hindi lamang sa inyong mag-asawa kundi maging sa inyong mga anak. 

Lumaban ka Itay! Labanan mo ang mga tawag ng barkada, bisyo at mamahaling "hobby" na nagdudulot ng dagdag na gastusin. Maging matatag kang harapin na may responsibildad ka at layunin na maisakatuparan ang inyong mga mithiin at plano sa buhay bilang mag-asawa!


Jo Valerio is an IT Professional working in Singapore. He is an advocate of Financial Literacy in the Philippines. He founded Mag-Invest Ka Pinoy in year 2012 and started the website www.maginvestkapinoy.com. The mission of the website is to encourage every Filipino to learn how to Save, Invest their money and plan their Retirement.