We are a Community. Our mission is to encourage every Filipino to learn how to Save, Invest their money and plan for their Retirement.

Sep 4, 2013

iBILI mo ko noon iBIBILL ako nyan


Wala akong bukambibig sa aking kabiyak kundi…”Hon, i-bilmoko non…”  Ang sagot naman lagi nya sa akin ay…”Cge at para Ibi-BILL naman ako nyan…”

Ganyan kami noon.  Mahilig akong magtuturo na para bang batang musmos na laging may gustong bilhin lalo na kapag namamasyal.  Hindi pa man kami lumalabas ng bahay, meron na akong iniisip na gustong puntahan para pagkagastusan.  Alam ko na agad kung saang outlet ako unang bibisita para maghanap ng maidadagdag sa aking mga koleksyon.  Sa ganitong pag-uugali, hindi ko namalayan na meron pala akong nililikhang malaking problema...napakalaking UTANG…Oo, utang!

Masarap kasi sa pakiramdam ang bumili ng bumili lalo na at hindi ka naman naglalabas ng pera dahil isang maliit na plastic card lamang ang lagi naming bitbit.  Kahit anong mahiligan, isang kaskas lang andyan na, hawak ko na, at inaamoy ko pa.
Ang akala ko noon shopping lang ang kasagutan pag may stress, pag bored, pag naiinis, pero hindi din pala.  Dahil kahit walang okasyon, walang dinaramdam, at ordinaryong araw lamang, parehas na bisyo pa din, walang pinagkaiba. Ang lagi kong katwiran noon, “Babae ako eh,” atsaka “minsan lang naman.”  Ang tanong, gaano kadalas ang minsan?  Parang pelikula lang di ba?

Sabi nila, 9 sa bawat 10 babaeng nilalang ay mahilig sa shopping, mahilig bumili ng mga materyal na bagay na hindi naman talaga kailangan, kahit 5 pares pa ang sapatos na hindi pa nagagamit, 3 bagong bag na hindi pa nabubuksan, 4 na bagong blouse na hindi pa naisusuot, at 3 pantalon na may etiketa pa at hindi pa nalalabhan.

Ang hirap din pala dahil nalugmok ako sa isang malalang kalagayan…kalagayan na walang pinagkaiba sa mga taong lulong sa droga at masasamang bisyo, in short…isa akong adik…adik sa shopping at materyal na bagay.  Ibig sabihin kapag ang isang tao ay adik, kelangan ma-rehab, hindi ba?

Ngayon, ang tanong…Paano nga ba ako gumaling  sa aking bisyo at adiksyon?  Paano ako na-rehab?
Naniniwala ako na lahat ng bagay sa mundo ay may katapusan.  Maaaring nalugmok ako sa tila baga walang lunas na karamdaman pero kapag ang Panginoong Diyos ang kumilos sa buhay mo, wala kang magagawa kundi tanggapin ito anuman ang gawin mo.

Isang araw, sabi ng aking kabiyak, “Ako na maghahawak ng ating mga bills pati na lahat ng ating mga bank cards.”  Akala ko tapos na sya.  Sabay sabi nya, “Pwede bang wag mo na akong ibibili ng kahit na anong gamit dahil hindi ko naman kailangan ang mga iyon.” Arayyyyyyyyyyy…sapul!  Ang sakit ano?…Parang gusto ko matunaw sa hiya sa aking sarili lalo na sa aking asawa.  At hindi pa natapos doon, dahil meron pang kasunod.  Kapag nasa kotse kami, papunta at pauwi sa trabaho ay ipe-play nya ang mga inspirational talks ni Bro. Bo Sanchez…”Aray kupo, tama na…tama na…”  Araw araw yan, halos dalawang oras sa paghatid nya sa akin sa umaga at pagsundo sa hapon…Na-realize ko na mas epektibo pala pag dinaan ka sa diplomasya.  Sa araw-araw nyang pag-expose sa akin sa ganung klaseng pangaral, sino naman ang hindi makokonsensya, magigising, at tatamaan?

At dyan nga nagsimula ang aking unti-unting pagbabago, masasabi kong tunay na pagbabago.  Lahat ng luho at pagsa-shopping ay aking tinalikuran.  Umisip ako ng ibang paraan para hindi mainip, maghangad, at maghanap ng gastos.  Dahil dito, naiba ang takbo ng aming pamumuhay.  Hindi lang mas naging simple at mas masaya, kundi nagkaroon kami ng katahimikan, lalo na sa aking sarili.

Kung gumagastos man ako ngayon, hindi na para sa mga bagay na hindi namin kailangan kundi sa pag-iinvest at pag-iipon para sa kinabukasan ng aking pamilya.  Dahil sa aking pagbabago, sa tulong ng aking mahal na asawa, nagkaroon kami ng konting naipundar na maipapamana namin sa aming mga anak.  Nabayaran namin paunti-unti ang malaking utang na aking nilikha.

Kung noon adik ako, ngayon adik pa din…yun nga lang hindi na sa paggasta kundi sa pag-iimpok para sa pamilya at sa pinapangarap naming “early retirement” at iba-ibang investments.

Pero, paano nga ba makakaiwas sa “bilmoko syndrome?”  Mahirap sa kung mahirap, lalo na at lulong ka na.  Pero meron akong ilang mahahalagang suhestyon para mapaglabanan ang sakit na ito:
     
Ang inggit ay nakamamatay.  Madalas na dahilan sa ating matinding paggasta ay ang hindi pagiging kuntento sa kung ano ang meron tayo.  Hindi masamang mag-appreciate sa isang bagay kung talagang maganda naman ito, ngunit hindi kailangan na dahil nagandahan ka ay bibilhin mo na.  Hindi porket meron ang kapitbahay ay dapat meron ka din.  Maging masaya sa kung anong meron ka.

Mamuhay na naaayon lamang sa kinikita.  Kadalasan, ang uri ng ating pamumuhay ay hindi naaayon sa kung magkano ang ating kinikita.  Ugaliin na hindi lumalagpas sa limitasyon ng pinansyal na kakayahan.

Mahalin muna ang sarili.  Tila tunog makasarili, hindi ba?  Pero iba ang pakahulugan ng mga katagang ito.  Ang ibig sabihin nito ay bigyan mo ng kaukulang pansin ang mga bagay na talagang kailangan mo para sa iyong sarili para mas umunlad pa ang iyong pamumuhay.  Sa halip na materyal, pangalagaan ang pangangatawan sa aspeto ng intelektwal, ispiritwal, at pisikal na pangangatawan.  Maglagak ng para sa panahon ng pangangailangan.
   
Ipon o utang?  Kung sa una pa lamang ay tatanungin  mo ang sarili mo kung alin ang mas gusto mo kung ipon o utang, marahil hindi mo gugustuhin gumasta lalo na at hindi mo kailangan.

Maganda at guwapo ka na.  Madalas sa ating pagbili ng mga materyal na bagay ay dahil iniisip mong mas gaganda at gwagwapo ka sa mamahaling gamit na iyong isusuot.  Ang ganda ay nanggagaling sa loob na kusang lalabas pag ginamit mo ng tama.  Magtiwala lamang sa sarili.

Itala ang mga pangarap.  Lahat tayo ay may gustong maabot at marating.  Ilista mo kung ano ang gusto mong mangyari sa buhay mo.  Magbigay ng deadline kung kelan mo ito gusto matupad at nang sa gayon meron kang pipilitin abutin na naaayon sa diskarte mo.

Ayokong maging pulubi.  Karamihan sa mga mas nakatatandang henerasyon, umaasa sila sa kung ano ang maibibigay ng kanilang mga anak para mabuhay.  Ang iba naman umaasa sa limos ng ibang tao o ng gobyerno para sa pang araw-araw na pangangailangan.  Kung may ipon ka, hindi mo nanaisin na maging pulubi sa harap ng mga anak mo at ng ibang tao.

Ibalik ang grasya.  Kung iisipin mo lagi na mas marami ang taong nangangailangan at naghihirap kaysa sa iyong katayuan, magdadalawang isip ka para bumili ng maluluhong gamit.  Ang pagtulong sa kapwa ay mas kasiya-siya sa mata ng lipunan at ng Amang Makapangyarihan.

Ang ginintuang aral na aking natutunan sa aking karanasan ay 
“Huwag maging alipin ng pera, kundi ang pera ang dapat nating maging alipin mo.  Gamitin ito sa tama at nang bukas hindi ka tututunganga.”

You can INVEST and earn PASSIVE INCOME
JOIN the  TRULY RICH CLUB NOW! 
Click to Learn More: JOIN THE TRULY RICH CLUB

Hindi ko sinasabi na masama ang bumili ng bagay na gusto mo.  Ang sa akin lang, bilhin mo ito kung kaya mo at hindi magugulo ang pamilya mo.  Mas lalong higit na dapat mong isipin, bakit mo ito bibilhin kung hindi mo naman gagamitin?

Huwag mo sanang hintayin na maging adik ka din katulad ko.  Mahirap malulong sa bisyo lalo na at lugmok ka na dito.  Kung sa palagay mo may simptomas ka na sa hindi mapigilang paggasta, gawin mong inspirasyon ang laman ng bank account mo.  Isipin mo kung paano sya lalago.  Isipin mo din kung kelan mo gustong magretiro at nang sa gayon, mas magiging ganado kang kumita, magtipid, at mag-invest.

Kapatid, hindi pa huli ang lahat para sayo.  Makakabawi ka pa sa mga nasayang mong mga araw.  Ang mahalaga magsimula ka ngayon para mas masaya ang bukas mo at ng pamilya mo.

Sa ngayon, masasabi kong mas masaya ang aking pamumuhay kasama ng lahat ng mahal ko sa buhay.  Unti-unti naming naipipinta ang kinabuksan na gusto naming marating, dahil sa disiplina sa paggasta, pagbabalik ng grasya sa Panginoon, pagtulong sa iba, at higit sa lahat pag-iipon at pag-iinvest ng tama.

Kung OFW ka, mas magagawa mo yan.  Dolyar ang kita mo hindi ba?  Huwag mo ikatwiran na madaming umaasa sayo at madaming ginagastusan na kaanak sa Pilipinas.  Hindi nila kailangan mabawasan ang tinatanggap galing sayo.  Ang mungkahi ko kapatid ay iyong paggastos mo.  Sabi nga nila, “tipid tipid din lang pag may time.”  Pinoy ka gaya ko.  Walang mahirap na hindi kayang malagpasan.  Sanay tayo diyan!

Kaya kapag sinabi nila syo, “Bil-moko non.”  Harangin mo na lang sa madiplomasyang paraan dahil alalahanin mo ang aking karanasan, kapatid.  Pag bili ka nang bili, BILL ang kasunod nyan!

Hindi pa huli para magsubi at nang ang ipon mo ay dumami.   Tara na at mag-impok at sa amin ay makilahok.  Kaya halika na, sama sama tyo, Mag-Invest Ka Pinoy!


Anna Santos
Medical Transcriptionist, Editor & Blogger

I am a Medical Transcriptionist/Editor for over 16 years now, working for both private and public sectors – hospital setting and home-based. Being married for several years with four young children, I always find myself trapped between being a homemaker and a career woman. I love multi-tasking and being productive at any given time.


Mostly Read Today

Popular Posts

Follow Us by Email

© 2012. Powered by Blogger.